Skip to main content
Like
Create new Glog
previous
next
Email share
28 views | 0 likes | 0 reposts
REMINISCE Yellow Bed Diwa'y nagising sa katotohanang ipinakita ng salamin Mukha ma'y nagbago ngunit hindi ang damdamin Makarating man sa kabilang buhay, ito'y mananatili gising Masasayang sandali, walang sawang uulitin Ngiting Monalisa gumuguhit sa twing iisipin Musmos na pagsinta dulot ay kuryenteng tyak na kikiligin Mga pasekretong sulyap sa mukha ng iniibig Sulat ng pagmamahal na nalunod lang sa tubig Ang utak ng dunong, sa gitna pagnakatayo Musmos na mukha ay tahimik at nagbibigay respeto Ngunit sa malikot na isipan, ang henyo'y napayuko Sabay alis, habang ulan ng luha ay tumutulo Madalas nagpapakita, tala ng tunay na samahan Sa kalamidad ng pagsusulit at matinding exam Mga gurong henyo handog ay isang masigabong na palakpakan Pilyong inosenteng mukha,saya ay hindi mapagtakpan Anghel ng lungkot,sa karamihan ay dumating Paglisan ng mahal,pagtanggap aming tanging hiling Ilalaan minutong saglit,sabay na mananalangin Sa munting paraan, damdamin nila'y aming paggaanin Sinong makakalimot sa latigong salita Kami'y isang grupong,piranggot ng pagkakaisa ay wala Tanong ko lang, Sino ka ba para sabihin yan?! Wala kang alam kaya tumahimik ka jan! Sa lahat ng pinagdaanan, saludo ako sa ating kapatiran Suntok sa buwang pagsubok, kayang kayang lusutan San man makarating tulang pinaghirapan Batch 2005, ika'y mananatiling buhay na tagpuan