Skip to main content
Like
Create new Glog
previous
next
Email share
184 views | 0 likes | 0 reposts
gusto kong maging bata muli sa puso at isipan. buhay bata na puno ng mabababaw na kasiyahan. walang pinoproblema at iniintindi. kung meron man ay kung ano ang lalaruin at ano ang hihingin. ano ang isusuot at saan pupunta. isang bata na ang nasa ay puro lang saya. iiyak lang pag naubusan ng kendi o inagaw o nasira ang paboritong laruan o pag napagalitan. gusto kong maging isang parang bata na nakagagawa ng kalokohan o kaya isang bata nakakapagbigay ng buhay o pagbabago sa tao o sa mundo. gustong kong maging isang bata na lahat ay nasasabi na walang kibit balikat. sasabihin at gagawin kahit na nakakasakit na. okey lang. hindi nakokonsensiya. hindi nababagabag. nakakatulog pa rin ng mahimbing. pag naging bata ako uli, magiging isang libo't isang tao ako. kahit na ano pede akong maging. at kung sakaling magiging bata ako muli iibahin ko ang landas na nilakad at tinakbo ko nung lumalaki na ako. dahil alam ko na ngayon kung saan ako pupunta, kung ano ang gagawin, bakit dapat gawin, paano at kailan at kung sino.
newivory